Umaabot na sa 400 kaso bawat araw ang tawag na natatanggap ng Office of the Vice President (OVP) sa Bayanihan E-Konsulta.
Dahil sa 300 porsyentong pagtaas mula nakaraang buwan, magkakaroon ng graveyard shift ang naturang serbisyo.
Ayon kay OVP Undersecretary Philip Dy, nasa mahigit 400 na ang naseserbisyuhan ng kanilang programa na dati ay may average lang na 100 kaso sa bawat araw mula Hunyo at Hulyo.
Sa pagsipa ng kaso nitong nakaraang buwan, walang patid ang pagbabantay ni Robredo sa proyekto kahit mula ika-11 ng gabi hanggang umaga, ayon kay Dy.
Mula Agosto 15, 807 kaso na ng Delta ang naitala sa bansa.
Sa isang Facebook post, inilahad ni Robredo na lomolobo muli ang mga kaso sa page ng Bayanihan E-Konsulta.
“We have been doing all we can but our biggest limitation is really (the) availability of hospital vacancies. Tonight, it happened again. We lost another patient while waiting for a hospital bed. Our list of patients awaiting hospital beds is getting longer and longer,”sabi ni Robredo.
Inilunsad ang Bayanihan E-Konsulta noong Abril 7 na nagbibigay ng libreng medicalconsultation services sa COVID at non-COVID patients sa Metro Manila, Cavite, Laguna,Bulacan, at Rizal.
Raymund Antonio