Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Tourism (DOT) sa pag-iimbak nito ng P52 milyon halagang promotional materials sa kanilang mga bodega.

Sa 2020 Annual Audit Report (AAR) para sa Tourism Promotions Board (TPB), binanggit ng COA na ang pag-iimbak ng mga promotional materials, at giveaways ay magreresulta lang ng pagkasira, at pagkaluma ng mga ito.

Nilahad din ng TPBAAR na tumanggap ng notices for disallowances ang ilang ahensya sa ilalim ng DOT para sa disbursement ng P1.56 bilyon sa ilang procurements at P80.65 milyon na mga grant of financial sponsorship na may kakulangan sa mga dokumento.

Inapela na ng TPB officialsang parehong NDs.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“There was overstocking of promotional materials totaling P52.186 million in CY 2020, an increase of P15.399 million or 29.51 percent from CY 2019,”sabi ng COA.

Duda ang COA na maipamamahagi ang promotional materials sa loob ng tatlong buwan mula ng ito’y sumailalim sa inventory.

“In CY 2019, the Audit Team already called the attention of Management to the 44 percent increase in the inventory account,”sabi ng COA.

Dagdag ng state auditors, dapat na maging maingat raw ang TPB sa procurement ng promotional materials at giveaways para maiwasang masayang ang pondo ng gobyerno.

“Refrain from procuring promotional materials and giveaways until the undistributed/unutilized items have been distributed to intended recipients.”

Ben Rosario