Umabot na ngayon sa 125,900 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 16,044 bagong kaso ng sakit nitong Sabado.

Batay sa case bulletin no. 526 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 1,839,635 ang total COVID-19 cases sa bansa hanggang Agosto 22, 2021.

Sa naturang bilang, nabatid na 6.8% pa o 125,900 ang kabuuang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kasama ang 93.8% na mild cases, 3.4% na asymptomatic, 1.2% na severe, 0.94% na moderate at 0.6% na kritikal.

Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 13,952 pang bagong gumaling sa sakit, kaya’t umaabot na ngayon sa 1,681,925 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 91.4% ng total cases.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mayroon rin namang 215 pang pasyente ang iniulat na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa ngayon, umaabot na sa 31,810 ang total COVID-19 death toll sa bansa o 1.73% ng total cases.

Ayon pa sa DOH, mayroon rin silang 460 duplicates na inalis mula sa total case count.

Sa naturang bilang, 427 ang recoveries at isa ang patay.

Mayroon din namang 120 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ngunit kalaunan ay natukoy na namatay na pala, sa pinal na balidasyon.

Anang DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 20, 2021 habang mayroong anim na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 2.9% sa lahat ng samples na naitest at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” anang DOH.

Sinabi rin naman ng DOH na sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa kaya’t pinayuhan nito ang mga mamamayan na patuloy na maging maingat at tumalima sa ipinaiiral na health and safety protocols ng pamahalaan.

“Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.Mahalaga rin na tayo ay magisolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol anghawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan,” anang DOH.

Mary Ann Santiago