Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 16,694 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado kaya umakyat na sa halos 124,000 ang aktibong kaso ng sakit sa bansa, habang umaabot naman sa halos 400 katao ang iniulat nito na binawian na rin ng buhay dahil sa sakit.

Sa inilabas na case bulletin No. 525, aabot na ang kabuuang kaso nito sa 1,824,051 hanggang nitong Agosto 21, 2021.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa naturang bilang, 6.8% o 123,935 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa naturang aktibong kaso, 93.5% ang mild cases lamang, 3.7% ang asymptomatic o walang anumang nararanasang sintomas ng sakit, 1.2% ang severe cases, 0.95% ang moderate habang 0.7% ang nasa kritikal na kondisyon.

Naitala rin ng DOH ang 15,805 pang pasyente na gumaling na sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,668,520 ang COVID-19 recoveries sa bansa o 91.5% ng total cases.

Umabot na rin sa 398 pang pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, mayroon nang 31,596 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.73% ng total cases.

Mary Ann Santiago