Hindi makagagambala sa mga trabaho ng gobyerno ang mga pagsita ng Commission on Audit (COA) sa mga ahensya ng pamahalaan kamakailan.
Reaksyon ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang sunud-sunod na pagkuwestiyon ng COA sa mga gastos ng mga government agencies para sa paglaban ng pandemya ng coronanavirus disease 2019.“We should perform our sole duties to the people, including transparency and accountability.If you think these events surrounding the audit reports on various agencies under the Executive Department will distract us from our mission to save our people, then you are wrong,” paniniyak ng Pangulo sa pre-recorded na pahayag nito na inilabas nitong Sabado.
Kabilang sa mga nasita ng COA angDepartment of Health (DOH), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Ports Authority (PPA), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Pinayuhan din nito ang mga ahensya ng pamahalaan na ituloy na lamang ang kanilang trabaho at huwag pansinin ang COA na kumukuwestiyonsa ginastosnilangpondo.
“We should perform our sole duties to the people, including transparency and accountability. I want our agencies to rather focus on our response against the pandemic. Government should not be affected by– Lahat kayo sa gobyerno, ‘wag na kayo makinig," panawagan pa ni Duterte.