Humina ang tropical cyclone “Isang” at naging isang tropical storm na lang ito matapos lisanin ang Philippine area of responsibility (PAR) nitong Linggo, Agosto 22, ayon sa the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang tropical storm sa layong 605 kilometro Hilangang-Silangan ng Itbayat, Batanes, ika-4 ng hapon.

Ayon sa PAGASA, umaabot sa 85 kilometers per hour (kph) ang lakas nito at nasa 105 kph ang naging bugso.

Inaasahan namang hindi na makaaapekto ang naturang bagyo sa Pilipinas sa susunod na mga araw.

National

VP Sara, humanga sa katapangan ng 18 ex-marines!

PAGASA

Samantala, magdudulot ng kalat na kalat na pag-ulan ang habagat sa mga lugar ng alawan, Occidental Mindoro, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, and Zamboanga del Sur sa loob ng 24 oras.

Magiging maulap ang kalangitan ng Metro Manila at ilan pang natitirang bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA sa maaaring pagbaha at pagguho ng lupa sa mga biglaang thunderstorms.

Ellalyn De Vera-Ruiz