Kinaya ni Mark Magsayo ang matitinding suntok na tumama sa kanyang katawan mula sa katunggaling Mehikano na si Julio Ceja kaya nagawa niyang patulugin ang huli sa 10th round ng undercard bout sa Manny Pacquiao-Yordenis Ugas nitong Linggo (Sabado sa Amerika) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Tinaguriang Magnifico, isang nakayayanig na right straight punch ang pinadapo ni Magsayo kay Ceja na nagpawala ng ulirat nito ng ilang minuto at naging susi sa kanyang knockout na panalo.

Nauna nang pinabagsak ng 26-anyos na boxer mula Tagbilaran, Bohol si Ceja sa first round, gayunman, nakabawi ang Mehikano at siya naman ang pinabagsak sa 5th round.

Unti-unting nakabalik ang Pinoy sa tulong ng kanyang mga kumbinasyon at mahusay na footwork hanggang matiyempuhan si Ceja sa 10th round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa panalo, nanatiling walang bahid ang rekord ni Magsayo na umangat sa 23-0 at 16 na knockouts at higit sa lahat ay nakamit niya ang karapatang labanan at hamunin ang kasakukuyang WBC featherweight champion na si Gary Russel Jr. ng United States of America.

Marivic Awitan