London, United Kingdom— Namatay ang pitong Afghan civilians dahil sa nangyaring kaguluhan malapit sa Kabul airport matapos magtangkang tumakas ang libu-libong tao sa bansa, ayon kay British defense ministry nitong Linggo.

“Our sincere thoughts are with the families of the seven Afghan civilians who have sadly died in crowds in Kabul,” ayon sa ministry spokesman.

Nahihirapan umano ang United States at ang mga kaalyado sa maraming bilang ng tao na sinusubukang makapasok sa evacuation flights isang linggo matapos sumalakay ang mga Taliban.

“Conditions on the ground remain extremely challenging but we are doing everything we can to manage the situation as safely and securely as possible,” ani spokesman.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ni British Defense Secretary Ben Wallace sa UK newspaper Mail nitong Linggo na “no nation will be able to get everyone out” bago ang nakatakdang deadline ng US sa Agosto 31.

“Perhaps the Americans will be permitted to stay longer and they will have our complete support if they do,” aniya.

Agence-France-Presse