Labing-anim pang Pilipino ang nasundo sa Kabul via military flight at ngayo’y nasa United Kingdom na habang 13 repatriates naman ang nailipad na sa Oslo, Norway, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo, Agosto 22.

Inulat din ng DFA na may dalawa pang ibang Pilipino ang papunta na ng Almaty Kazakhstan at Kuwait.

Sa isang pahayag, nagpasalamat ang ahensya sa lahat ng pamahalaan at bansa na nakiisa at nagbigay ng tulong para mailikas ang mga Pilipino sa Afghanistan.

“This help is essential in enabling our people to leave safely,”sabi ng DFA.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Habang patuloy na binabantayan ng pamahalaan ng Pilipinas ang sitwasyon ng ilan pang natitirang Pilipino sa Afghanistan, may walo pang dagdag na nagrehistro sa Philippine Embassy sa Pakistan subalit hindi nito hiling na makabalik ng Pilipinas sa ngayon.

Sa pinakahuling pagtataya ng DFA, nasa 32 pa ang kailangan ilikas sa Afghanistan. Mula ngayong araw, 175 na ang umalis sa bansa habang 22 indibidwal na ang hiniling ng kanilang mga kompanya o kaya ng gobyerno ng Pilipinas na makabalik ng bansa.

Nataas pa rin ang Alert level 4 sa Afghanistan, isnag lingo patapos kontrolin ng Taliban ang buong Afghan government.

Roy Mabasa