Dumating na sa bansa nitong Biyernes ang unang bahagi ng Sinopharm vaccine na ipinangako ng China sa Pilipinas.

Aabot sa 739,200 doses ng bakuna ang ipina-deliver sa bansa ng China.

Nakatakda namang ipadala sa bansa sa Sabado ang ikalawang bahagi ng bakuna na aabot sa 260,800 upang mabuo ang pangako ng China sa Pilipinas na isang milyong bakunang donasyon.

"This is going to help our country in ramping up our vaccination coverage to protect our people, especially the elderly, individuals with comorbidities and the frontline health care workers and of course, the President always says to include the poor families or indigent families," sabi naman ni Health Secretary Francisco Duque.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras