Pinalawig pa ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang no service disconnection activities sa National Capital Region (NCR) at Laguna hanggang sa Agosto 31.

Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa nasabing mga lugar hanggang sa katapusan ng Agosto.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Matatandaang ang NCR at Laguna ay unang isinailalim ng pamahalaan sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 kaya sinuspindi ng Meralco ang kanilang disconnection activities sa mga naturang lugar.

Hindi rin muna magpuputol ng kuryente sa ilang lugar na nasa ilalim pa rin ng MECQ, katulad ng Bulacan, Cavite, Rizal at Lucena City hanggang sa katapusan ng buwan.

Mary Ann Santiago