Nakaranas ng blackout ang malaking bahagi ng Visayas Region dahil umano sa pagtama ng kidlat sa transmission line tower, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Biyernes ng gabi.

Paliwanag ng NGCP, unti-unti na nilang ibinabalik ang power supply sa mga lugar na apektado nito.

Tatlong main power lines sa Cebu, Samar at Tagbilaran ang nag-trip off kaya nawalan ng suplay ng kuryente ang malaking parte ng rehiyon.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

“Gradual restoration of power transmission services to affected power customers of NGCP started in Cebu at 12:52 a.m. (21 August), while the last feeder energized in Leyte-Samar was at 5:46 a.m. and in Bohol at 5:48 a.m.” ang bahagi ng Facebook post ng NGCP.

Sa paunang imbestigasyon ng NGCP, tinamaan umano ng kidlat ang transmission (line) tower sa lugar kaya nakaranas ng blackout sa rehiyon.

Isinisi pa sa kidlat: Blackout, naranasan sa malakingbahagi ng Visayas -- NGCP

Nakaranas ng blackout ang malaking bahagi ng Visayas Region dahil umano sa pagtama ng kidlat sa transmissionline tower, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Biyernes ng gabi.