Isang mananaya mula sa Zamboanga Del Norte ang naging instant milyonaryo matapos na manalo sa MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, tumataginting na P24,320,079.80 ang napanalunan ng lucky bettor matapos nitong mahulaan ang six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 34 - 03 - 09 - 10 - 08 – 32.

Sinabi ni Garma na ang lucky ticket ay nabili ng lucky bettor sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Pinayuhan naman ni Garma ang masuwerteng mananaya na makukubra nito ang kanyang premyo basta magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at iharap ang dalawang valid IDs, at ticket na nanalo.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Mary Ann Santiago