Hindi gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa 2022 national elections.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang Talk to the People nitong Sabado, sinabi ng Pangulo na maaaring gamitin ng Department of Health (DOH) ang kanyang contingency fund para bayaran ang allowances at iba pang benepisyo ng mga healthcare workers at volunteers.

“That’s the reason, again, I have to explain to the people na bakit malaki ‘yan,” ayon sa Pangulo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Minaliit naman ni Duterte ang pahayag ng kanyang kritiko na ang kanyang contingency at intelligence funds ay gagamitin para pondohan ang pangangampanya ng kanyang kandidato sa halalan sa 2022.

Beth Camia