Hindi na kailangang gumamit ng quarantine pass sa Metro Manila na isasailalim samodified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ang paglilinaw niMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos at sinabing sa ilalim ng MECQ, may mga lugar na lamang ang isasailalim sa granular lockdown dahil sa pagsisimula ng hawaan ng coronavirus disease 2019.

"Imbes na isarado yung buong city, ipi-pinpoint na lang local government units sa tulong ng Department of Health kung ano yung mga lugar na nagsisimula ang infection at ito ay isasarado sa tinatawag na granular lockdown, doon hihigpitan ng masyado.Otherwise wala nang quarantine pass," aniya.

Inilabas ni Abalos ang pahayag bilang suporta sa sinabi niParañaque Mayor Edwin Olivarez na hindi na kailangan pa ng quarantine pass sa paglabas ng Metro Manila na nasa MECQ.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa nakaraang ECQclassification, obligado ang mga residente na maglabas ng Q-Pass upang mapaniwala ang mga awtoridad na essential ang kanilang pupuntahan, katulad ng pagbili ng pagkain o gamot.