Nagpahayag ang marami pang grupo ng kanilang suporta sa panawagang kumandidato sa pagka-presidente si Bise Presidente Leni Robredo sa May 2022 national elections, ayon sa Team Leni Robredo (TLR).

“We are very enthusiastic that many people and group are putting their hopes on Vice President Leni Robredo amid these times of uncertainty,” ayon kay TLR convenor Joseph Quesada

Kabilang aniya sa sumuporta ang grupong Leni Urban Poor, Nagkakaisang Tugon, Dapat si Leni, Let Leni Lead, Women for Leni, SAMASA Up Alumni Association, Bikers for Leni, at Solid Leni Bicol.

Maglulunsad naman sa Agosto 21 ang Teachers for Leni, NCR for Leni, Iloilo for Leni, at Pangasinan for Leni.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa kay Quesada, ang iba pang mga grupo na nagpahayag ng intensyong tutulong sa kandidatura ni Robredo ay nangakong gagawin nilang pormal ang kanilang koalisyon sa TLR. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga propresyunal, bankers, LGBTQ community, at youth organizations, atbp.

“We are also strengthening our alliances with other regional groups to beef up our ground support. We need to be ready if the Vice President accepts the challenge and throws her hat in the presidential race.We will build a strong coalition to ensure Vice President Robredo’s win in 2022. We need her to stop the attempt of this administration to hold on to power,” dagdag pa niya.

Matatandaang hindi pa nakakapag-desisyon si Robredo tungkol sa kanyang mga plano sa politika sa 2022. Gayunman, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez na ang unang pagpipilian ni Robredo ay ang pagtakbo bilang pangulo.

Argyll Cyrus Geducos