Maliban lamang sa Korte Suprema, sarado ang lahat hukuman sa Metro Manila mula Agosto 31 kasunod ng pag-anunsyo ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon.
Sa isang circular na inilabas ni Court Administrator Jose Midas P. Marquez alinsunod sa utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo, lahat ng trial at appellate courts sa NCR –Court of Appeals, Sandiganbayan, and Court of Tax Appeals– ay magpapatuloy via video conferencing para sa mga urgent na kaso.
Kabilang sa mga “urgent incident and cases” na binanggit ni Marquez sa circular ang aplikasyon sa bail, kaso ng habeas corpus, at aplikasyon ng temporary protection orders for Violence Against Women and Children cases.
Ang mga saradong korte ay maaaring matawagan sa kanilang hotlines at email addresses na nakapaskil sa kanilang website – sc.judiciary.gov.ph.
Habang sarado pa ang mga korte, suspendido rin filing, service pleadings and motions.
“The essential judicial offices in all courts shall maintain the necessary skeleton staff to attend to all urgent matters and concerns,”ani ng circular.
Ayon kay Chief Justice Gesmundo, lahat ng opisina sa Korte Suprema ay bukas Lunes hanggang Biyernes, mula Agosto 23 subalit 25 porsyento lang ang work force liban sa opisina ni Gesmundo at ng ilang pang associate justices.
Ang mga hindi makakapasok nang pisikal ay work from home (WFH) ang setup.
Maaari ring humiling ng WFH arrangements hanggang dalawang araw sa isang linggo ang chiefs of offices, gayunman, “on call” dapat ang mga ito.