Hiniling ng Commission on Audit (COA) sa Department of Health (DOH) na magkaroon ng standardized guidelines para sa meal allowances ng mga healthcare workers.
Ito ang solusyon ng COA matapos gamitin ng DOH ang₱P275.9 milyong meal allowance sa pamamagitan ng isang presidential memorandum noong Hulyo 2021.
Nakapaloob samemorandum na legal ang paggamit sa pondo ng meal transportation, accommodation benefits bilang “cash equivalents.”
Ayon naman sa COA, ang panuntunan na ipinataw sa DOH Administrative Order No. 2020-0554 ay hindi nabanggit na bibigyan ng “quality meals” ang mga healthcare workers.
“Di po nakalagay na cash kaya po ang audit action, observation namin diyan, ay 'yung binigay in form of gift check, cash, or in whatever form aside from quality meals ay talaga pong nailagay namin sa audit findings naming,” paglalahad ni COA Supervising Auditor Rhodora Ugay sa isang House Committee on Public Accounts hearing.
Dagdag ni Ugay, sinunod lamang nito ang utos ng DOH dahil hindi pa aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang memorandum nang isagawa ang pag-audit.
Hiniling naman ni Ugay na magkaroon ng mas malinaw na panuntunan para sa disbursement ng allowances ng healthcare workers.
Sinuportahan naman ito ni COA Chairman Michael Aguinaldo.
Noreen Jazul