TARLAC PROVINCE - Nadagdagan pa ng 315 ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na alawigan sa nakaraang tatlong araw.
Sa datos ng Department of Health (DOH)-Tarlac, ang nasabing bilang ng kaso ay mula sa Tarlac City, Capas, Concepcion, Bamban, Gerona, Paniqui, San Manuel, Moncada, Santa Ignacia, La Paz, Victoria, Ramos, at Pura.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mabigyan sila ng ayuda.
Anila, wala pa umano silang natatanggap na anumang tulong mula sa mga opisyal ng kanilang lugar sa kabila ng matinding epekto sa kanila ng pandemya ng COVID-19.
Leandro Alborote