Nangako ang Pasay City government na papalitan ng supplier ang ipinamahaging bigas na sinasabing 'may amoy' matapos umanong umangal ang mga residenteng nakatanggap nito.

"'yung inoderna bigas ay dinorado. Kung bulok o low quality 'yung bigas na natanggap ng ilang constituents ay puwedeng palitan 'yun. Bago binili 'yung bigas ay naging bahagi ng kasunduan sa supplier na papalitan nila 'yung bigas kung low quality," pahayag ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ang nasabing bigas ay ipinamahagi ng pamahalaang lungsod sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Metro Manila mula Agosto 5-20.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Kaugnay nito, humingi rin ng paumanhin ang alkalde sa mga residente dahil sa insidente na nag-ugat umano sa pagkakamali ng supplier ng bigas.

Bella Gamotea