Nasa bansa na ang kabuuang 178 Pilipinong stranded sa Malaysia matapos bigyan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ng isang chartered repatriation flight na pinondohan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, umalis ang batch ng Pinoy sa Kuala Lumpur nitong Agosto 18 sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 8626 patungong Pilipinas.

Karamihan sa mga umuwing Pinoy ay stranded sa Malaysia dahil sa kanselasyon ng commercial flights bunsod ng ipinaiiral na travel ban noong nakaraang buwan.

“Today’s repatriation was the first chartered flight organized by the Embassy this year, as part of our ongoing efforts to assist Filipinos, who are affected by the lockdown and the travel ban. The Embassy will continue to monitor the situation of our nationals on the ground so we can extend appropriate assistance,” ani Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang lahat ng pasahero ay sasailalim sa mandatory swab test at quarantine sa mga itinakdang pasilidad alinsunod sa protocols na ipinatutupad ng pamahalaan para sa lahat ng international arrivals.

Bella Gamotea