CAGAYAN - Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 ang 102 empleyado ng pinakamalaking referral hospital ng Region 2 -- ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ito ang inulat ng Cagayan Provincial Information Office sa kanilang Facebook accountna kinumpirma rin ni CVMC director Dr. Glenn Matthew Baggao.

Karamihan ng nahawaan ay mula sa Accounting, Budget at Finance division ng nasabing pagamutan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Baggao na hindi apektado ang operasyon ng COVID-19 ward ng nasabing pagamutan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Aniya, may ilan din health workers na nagpositibo, gayunman, hindi sila nahawa sa line of duty.

Ipinaliwanag ni Baggao na hindi nakuha ng mga infected na health workersang virus sa ospital dahil protocol umano nila na isailalim ang mga ito sa RT-PCR bago pa man umuwi ang mga ito sa kanilang pamilya pagkatapos ng kanilang ng duty.

Pagbalik muli sa trabaho ay kanila muling sinusuri ang mga health workers at napag-alaman na ang ilan ay nagpositibo.

Nilinaw ni Baggao na ito ay kanilang nakuha sa labas o sa komunidad, lalo pa at napakabilis ng community transmission ngayon ng Covid-19 sa siyudad ng Tuguegarao.

Binanggit din nito Baggao na mahigpit ang pagsunod ng ospital sa guidelines ng skeleton workforce habang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) pa ang Tuguegarao City.

Sa pinakahuling datos ng ospital, umakyat na sa 282 ang kabuuang COVID-19 patients kung saan 174 dito ay mula sa Tuguegarao City.

Liezle Basa Iñigo