Nagsanib-puwersa ang kinatawan mula sa 1Sambayan at ang mga estudyante ng De La Salle University (DLSU) at Ateneo de Manila University (ADMU) upang pakilusin ang sektor ng kabataan sa darating na 2022 national elections.

Nakatakdang magdaos ng event ang grupo sa Agosto 25 na may layuning magkaroon ng isang pampublikong pag-uusap na makatutulong sa pagsisimula ng mga democratic initiatives at mga programa para sa youth sector.

Bilang suporta sa nasabing hakbang, ikinuwento ng 1Sambayan Chair at dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ang sitwasyon ng bansa na nasa pandemya ng coronavirus disease 2019at ang pagbagsak ng ekonomiya na nagpapahayag kung paano malalaman ng mga kabataan ang resulta sa halalan.

“This is a very important election. We have this pandemic, the West Philippine Sea issue, and the worst economic performance since World War II. All of this will be decided on May 9.We, the old folks will be leaving soon, all we want is to pass [the country] to the youth the best way we can,”dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nanawagan muli si 1Sambayan Youth Convenor Raeyan Reposar sa mga Pilipino na magparehistro, bumoto, at aktibong lumahok sa halalan.

“This is the first of many mobilizations from the youth sector. The alliance we’ve forged today between the green and blue is committed to expanding to other schools all over the country,” ani Reposar.

Sinabi naman ni Ateneans for 1Sambayan Spokesperson Alexis Andona ang inisyatibong ito ay magsisilbing isang daan upang maiangat ang mga isyu sa pamamahala, kinikilala ang pribilehiyo ng kanilang mga paaralan at ang pangangailangang gamitin ito para maging pakinabang sa lipunan.

“We are just getting started. What we aspire is unity in which we all act without others being left behind.To be clear, this is for and by the students. This was not initiated by our school administrators, but rather by Lasallians doing their part in nation-building, empowering the marginalized, and defending democracy,”dagdag pa ni 1Sambayan Lasalyano spokesperson Angelo Lescano.

Gabriella Baron