Halos ₱1 bilyong ayudaang naipamahagi na ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa mga residenteng apektado ng 14 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sa report ng City Social Welfare and Development Department kay Mayor Oscar Malapitan, nasa₱943,807,700 mula sa P1,342,711,000.00 pondo mula sa national government ang naibigay na ng lungsod sa may 267,704 na pamilya.

Katumbas ito ng mahigit sa 70 porsiyentong kanilang naipamahagi sa mga benepisyaryo nito.

Ayon sa alkalde, inuna muna nilang bigyan ang mga pamilyang may tatlo o higit pang miyembro o ang mga benepisyaryong dapat tumanggap ng P3,000 hanggang P4,000.

Orly Barcala

Kaufman, napatanong; kung may nakaisip bang imbestigahan umano'y drug-related killings sa Marcos admin