Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na ang voter registration ay magsisimula dakong 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes simula Agosto 25.

Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ni Guanzon na ang pagpaparehistro ngtuwing Sabado at holidays ay mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

“Don’t forget that the deadline of Voter Registration is still on September 30, 2021,”aniya.

“You can register to vote at any satellite registration sites in your area,”dagdag pa ni Guanzon.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Inaprubahan ng Comelec en banc nitong Miyerkulesang pagpapalawig ng oras ng voter registration, pati na rin ang pagbubukas ng voter registration tuwing Sabado at holidays para sa natitirang panahon ng pagpaparehistro.

Gayunman, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ang naturang pagpapalawig ng oras sa Offices of Election Officers (OEOs) ay para lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng under general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

“Under our general guidelines, our policies on this is there is no voter registration in areas not under GCQ or MGCQ,” ani Jimenez sa online press briefing.

Posible pa rin aniyang mapalawig ang voter registrationkumpara saOEOs.

Leslie Ann Aquino