Nagbitiw sa kanyang puwesto bilang trainer ng Philippine women's national volleyball team ang Thailander na si Anusorn Bundit na dating coach din ng Ateneo women's volleyball team.

Ang pagbaba ni Bundit sa puwesto ay kinumpirma ni Philippine National Volleyball Federation(PNVF) national team commission chairman Tony Boy Liao nitong Miyerkules ng gabi

Nagbitiw si "Tai,' palayaw ni Bundit, sa puwesto upang makapiling ang kanyang pamilya na nasa Bangkok, ayon kay Liao.

Sa pinakahuling ulat, mayroon ng mahigit 20,128 kaso ng COVID-19 sa Thailand at nag- average na 21,784 noong nakaraang linggo.At ang sitwasyong malayo siya sa kanyang pamilya ang naging dahilan upang magbitiw ito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Yes, he gave me his resignation letter last August 15. Coach Tai cited family reasons because he won’t be able to concentrate to coach the national team with the rising cases in Thailand. Coach Tai’s kids are still young with one still in high school while the twins are still in grade school,” dagdag nito.

Sinabi ni Liao, nakatakdang bumalik sa Thailand si Bundit sa Biyernes, Agosto 20.

Dahil dito, hindi pa matiyakkung babalik pa ang Thai mentor para muling mag-coach sa Creamline sa second conference ng PVL sa Oktubre.

“He won’t be able to coach Creamline as well for the possible second conference. He will wait for things to clear up in Thailand,” sabi ni Liao.

Sa paggabay ni Bundit, tumapos ang Cool Smashers na runner-up sa katatapos na 2021 PVL Open Conference para sa unang season ng kauna-unahang women's professional volleyball league sa bansa. 

Marivic Awitan