Tiniyak ng dating senador na si Antonio Trillanes IV na "didiretso sa kulungan" si Pangulong Rodrigo Duterte at ang "Davao group" nito kung hindi sila mananalo sa national elections sa susunod na taon.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 19, binanggit nito na ang pagdinig sa Senado nitong Miyerkules, Agosto18, ay nagpapatunay na ang kasalukuyang administrasyon ay kumita ng “bilyon” mula sa pandemya.

“It is very clear from the Senate’s hearing yesterday that Duterte and his Davao group took advantage of the pandemic to earn billions through high-level corruption,”aniya.

“Kaya siya galit sa COA (Commission on Audit). Kaya kulungan ang diretso ng mga ‘to kapag natalo sila sa 2022,” dagdag pa niya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Matatandaang kinuwestiyon ng mga senador ang pagbili ng overpriced face masks at face shields ng Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS)noong nakaraang taon sa kasagsagan ng pandemya. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng₱42.4bilyon.

Nangyari ang pagkuwestiyon sa DOH matapos mabisto ng COA ang “deficiencies” ng DOH sa paggastos ng₱67.3 bilyong pondo sa paglaban ng COVID-19 pandemic.

Nasilip din ng COA ang DBM-PS na dating pinamumunuan ni Christopher Lloyd Lao, dating tauhan ni Senador Bong Go.

Binanggit ng COA na bumili si Lao ngoverpriced na medical supplies at ibebenta nitosa DOH

Ayon kay DBM Officer-in-Charge Tina Rose Canda, ang mga medical supplies ay binili pa sa China.

Bukod sa DOH, kasama rin sa nasita ng COA ang Philippine Ports Authority (PPA), Department of Budget and Management (DBM), Department of Transportation (DOTr), the Presidential Communications Operations Office (PCOO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),atbp.

Gayunman, sinabihan ni Duterte ang mga miyembro ng Gabinete nito na huwag pansinin ang audit reports ng COA at magpatuloy na lamang sa kanilang trabaho sa pagtugon ng pandemya.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/17/duterte-nagalit-sa-coa-reports-wala-namang-mangyari-diyan/

Raymund Antonio