Sinisi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque ang mga pribadong ospital sa pagkakaantalang pagpapalabas ng special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers (HCWs) sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“‘Yong mga ospital, ‘yong mga private entities na mga ito, sila ang actually may accountability dahil sila po ang nakakakilala doon sa kanilang mga healthcareworkers,” tugon ni Duque matapos tanungin ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon sa isinagawang pagdinig sa usapin nitong Miyerkules.
“May proseso po sila diyan, meron silang human resource office, to properly identify who should be the legitimate recipents of these benefits,” aniya.
Nauna nang nagrereklamo ang mga HCWs na wala pa silang natatanggap na benepisyo kahit pinanindigan ni Duque na ipinalabas na ng DOH ang pondo sa mga ospital.
“Ang hindi ko maintindihan, you have a tidal wave of people from all across the country saying they were not able to receive,” paliwanag ni Gordon
“Even if you make a presentation, if they maintain na hindi sila nakaka-receive, may problema tayo," paglilinaw pa ni Gordon kay Duque.
Sa nasabing pagdinig, sinisi rin ni Duque ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa pagkakaantala ng SRAs.
Vanne Elaine Terrazola