Nagtuturuan na ngayon ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng usapin sa pagkaantala ng mga benepisyo ng healthcare workers (HCWs) sa bansa.
Sa kanyang pagdalo sa imbestigasyon ngSenate Blue Ribbon Committee hinggil sa naantalang bayad ng HCWs, sinisi niDOH Assistant Secretary Maylene Beltran ang DBM dahil sa pagkabigo nilang magastos ang₱9.7 bilyong pondo para sa special risk allowance (SRA).
Isinagawa ang imbestigasyon ng Senado bilang tugon sa hinaing ng mga ospital at HCWs na wala pa silang natatanggap na SRA mula sa DOH.
Nlinaw ni Beltran na binigyan lamang sila ng limang araw upang maipamahagi ang pondo bago pa man mag-expire angBayanihan to Recover as One Act, o Bayanihan 2, nitong Hunyo 30.
“We were given this amount, released to us through a SARO (special allotment release order), on June 25.So ilang araw lang po ‘yon, may mga kailangan po kaming i-settle na mga MOA, kailangan po namin kausapin ‘yung private sector, kailangan ho namin kausapin 'yung iba'tibang LGU hospitals," depensa ni Beltran.
Kaagad namang binara niDBM officer-in-charge at Undersecretary Tina Canda, ang pahayag ni Beltran at sinabing agad silang kumilos sa pagpapalabas ng pondo.
Idinahilan ni Canda, kaagad na pinirmahan ng nagbitiw na siDBM Secretary Wendel Avisado ang isang Administrative Order (AO) na naglalaman ng panuntunan para sa pamamahagi ng SRA nitong Hunyo 3, at tinanggap din ito ng ahensya mula sa Office of the President.
Paliwanag ni Canda, tumagal hanggang Hunyo 16 bago pumirma ang DOH sa joint circular. Nitong Hunyo 23 lamang aniya isinuite ng DOH ang kanilang kahilingan para sa pagpapalabas ng SRA.
“Hindi naman ho kami pwedeng mag-release without submission of the request, so ililinaw ko lang 'yun dahil iyun ang kulang doon sa pagsasaad ng kuwento ng taga-DOH. They submitted the request on June 23. Being a holiday, June 24, we released the document but it was antedated to June 25,” pahayag pa ni Canda.
Kaagad namang inayunan ni Beltran si Senator Richard Gordon nang tanungin siya nito kung ang DBM ang dahilan ng pagkaantala.
Ang pahayag ni Beltran ay sinuportahan din ni DOH Secretary Francisco Duque III na dumalo rin sa pagdinig.
Vanne Elaine Terrazola