Nakapagtala na ang Department of Education (DepEd) ng mahigit 5.3 milyong enrollees sa basic education levels sa pampubliko at pribadong paaralan para sa School Year (SY) 2021-2022.

Sa huling datos base sa Learner Information System (LIS) – Quick Count nitong Huwebes, Agosto 19, mayroong 5,356,643 na estudyante ang nakapagpatala sa mga public schools, private schools, at State Universities and College/Local Universities and Colleges (SUCs/LUCs) na nag-aalok ng basic education.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/MB_InaHernando/status/1428195008176300039

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng mga pampublikong paaralan sa susunod na buwan, kasalukuyang mayroong regular enrollment na nagaganap na nagsimula noong Agosto 16 hanggang Setyembre 13— ang petsa ng pagbubukas ng klase na inaprubahan ni Pangulong Duterte.

Sa “Quick Count” na gumagamit ng LIS bilang database, mayroong 799,316 na estudyante ang enrolled sa basic education level simula nang mag-umpisa ang enrollment period.

Sa huling datos ng DepEd, umabot na sa 734,306 ang naka-enroll sa pampublikong paaralan; 63,102 naman sa pribadong paaralan at 1,908 sa SUCs/LUCs.

Ipinakita rin sa enrollment figure na ang Region IV-A ang mayroong pinakamataas na bilang ng mga enrollees na may kabuuang 70,526. Sinusundan ito ng Region III na mayroong 450,202 at Region VI na mayroong 436,301.

Habang ang mga paaralan naman sa Metro Manila ay mayroong kabuuang 428,943 na enrollees.

Merlina Hernando-Malipot