Maaaring maghatid ng isa pang public address ngayong linggo si Pangulong Rodrigo Duterte upang ianunsyo ang bagong quarantine classifications sa Metro Manila na kasalukuyang nananatili sa mahigpit na lockdown na magtatapos sa Agosto 20.

Ipinahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque isang araw bago matapos ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

Sa kanyang pulong balitaan nitong Huwebes, Agosto 19, pag-uusapan pa aniya ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseasesang bagong quarantine classifications sa Metro Manila bago iharapo irekomenda kay Duterte.

“Pag-uusapan po mamayang hapon ng IATF ang quarantine classification at meron pong tentative Talk to the People ang Pangulo sa Biyernes pero tentative pa lang po ‘yan,” ani Roque.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Dagdag pa niya, hindi umano matutuloy ang pangalawang Talk to the People ng Pangulo kung sakali siya ay bibigyan ng awtoridad ng pangulo para mag-anunsyo.

Sinabi rin ni Roque na mayroon lamang dalawang pagpipiliian para sa Metro Manila— kung mananatili sa ECQ o ibababa sa modified ECQ (MECQ).

Gayunman, binalaan pa rin niya ang publiko dahil hindi ibig sabihin ay bababa na ang COVID-19 cases pagkatapos ng 2 weeks ECQ sa NCR.

“Hindi po ibig sabihin na matapos na ang ECQ eh bukas bababa. Hindi po,” ani Roque.

“Siguro mga isang linggo pa bago tuluyang bumaba dahil nga po delayed ang reaction dahil it takes 14 days, 'yung cycle ng hawaan sa sakit na ito,” dagdag pa niya.

Argyll Cyrus Geducos