Inaasahang darating sa bansa ang panibagong batch ng Sinopharm vaccine mula China sa Biyernes, Agosto 20.

Ito ay upang mapalakas ang vaccination program ng gobyerno na kulang pa rin sa suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Aniya, aabot sa 739,200 doses ng Sinopharm vaccine ang nakatakdang salubungin ng mga opisyal ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Biyernes.

Nakatakda ring dumating sa bansa ang 582,500 doses ng AstraZeneca vaccine na na binili ng pribadong sektor sa United Kingdom.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Beth Camia