Nagpahayag ng pagkabahala ang mga may-ari ng mga kompanya na baka raw hindi makapagbigay ng advance 13th month pay sa mga empleado bunsod ng pananalasa at pinsala ng coronavirus disease 2019 pandemic.
Sinabi ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na magiging mahirap sa maraming negosyo, kabilang ang tinatawag na micro enterprises, na makapag-advance ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa at empleyado ahil sa Covid-19 pandemic na naging dahilan ng pagsasara ng mga kompanya at pagkawala ng trabaho.
"Karamihan sa mga ito ay hindi makapagbibigay ng advance pay. They are struggling,” ayon kay ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr. Aniya, karamihan sa mga negosyo sa bansa ay maliliit lang o micro enterprises kung kaya noong nakaraang taon, marami sa mga ito ang nahirapan sa pagkakaloob ng 13th month pay.
“Noong ikampanya namin noong nakaraang taon na mag-advance ng 13th month pay, halos lahat ay sumunod. Pero ngayon, hindi ko alam. Many are really struggling,” sabi ni Ortiz-Luis. Ilang kompanya noong nakaraang taon ang nag-release ng 13th month payments upang matulungan ang mga manggagawa at kawani na makaraos sa pinsala ng salot
Ipinaliwanag niya na bagamat kontra ang ECOP laban sa lockdowns, sinabi niyang walang magagawa ang grupo kundi tumalima sa gobyerno sakaling ipasiya na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Layunin ng ipinaiiral na ECQ sa Metro Manila Agosto-6-20 ay makontrol ang paglaganap ngveerus,estevirus pala, partikular ang higit nanakahahawaat mas mabagsik na Delta variant. Batay sa DOH report, may bago na namang virus variant ngayon, ang Lamba variant.Iginiit ni Ortiz-Luis na ang mga employer at employee ay kapwa nagdurusa sa imposisyon ng lockdowns at ang ayuda o cash aid na ibinigay ng pamahalaan ay hindi sapat. Isa umanong mabisang solusyon upang mapigilan ang paglaganap ng pandemya ay bilisan at apurahin ang pagbabakuna sa mga Pilipino.
-0-0-0-0-0-0-
Matapos pasaringan na isang "call boy" at hindi organisado sa sistema ng pagbabakuna sa lungsod, biglang-liko at biglang-baligtad ngayon ang Palasyo. Nais ng Palasyo na bumilis ang paggaling ni Yorme (Manila Mayor Isko Moreno) na nagpositibo sa Covid-19.
"Hangad namin ang mabuting kalusugan ni Mayor Isko Moreno, at umaasa kami sa mabilis niyang paggaling," ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Si Moreno na fully-vaccinated na ay nagsabi noong Linggo na positibo siya sa virus.
Noong nakaraang linggo, nagbanta si President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na aalisan niya ng poder ang isang local government unit (LGU) sa Metro Manila na mag-distribute ng ayuda/cash aid dahil sa kawalang-kakayahan ng mayor na mag-organisa.
Binira rin ni PRRD ang umano'y malalaswang larawan (risque photos) ng alkalde, na sa palagay ng publiko ay si Isko Moreno ang pinatutungkulan na minsan ay nag-artista. Si Yorme ay itinuturing na isang malakas at potensiyal na kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 bagamat wala siyang sinasabi tungkol dito.