Tahasang inamin ng Malacañang na kinakailangan ng ₱240 bilyong pondo sa susunod na taon upang matugunan ang pandemya ng coronavirus disease 2019.

"Ito po 'yung nakasaad sa National Expenditure Plan. Pero ito po ay puwedeng baguhin, siyempre, ng Kongreso. Puwedeng dagdagan, puwedeng bawasan," ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Mapupunta sa Department of Education (DepEd) ang malaking bahagi ng sa kabuuang pondo, gayundin sa Department of Health (DOH).

Mapupunta naman ang ₱33,629,475,000 sa Department of Labor and Employment (DOLE); ₱11,517,459,000 sa Department of Social Welfare and Development (DSWD); ₱1,278,170,000 sa Department of Science and Technology (DOST); ₱1,203,000,000 sa Department of Trade and Industry (DTI); at ₱140,000,000 sa University of the Philippines (UP) System. 

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Beth Camia