Nahawaan na rin ng coronavirus disease 2019 si dating Health Secretary at ngayo'y Iloilo Rep.JanetGarin.
“Despite following the minimum health protocols and being extra cautious, I tested positive for COVID-19,” pagsasapubliko ni Garin na tinamaan ng virus nitong Miyerkules.
Bakunado na aniya siya at umaasang hindi na mahahawa sa virus. Gayunman, timaan pa rin ito ng virus.
Si Garin ay naiulat na may asthma,alta-presyonat Raynaud’s disease. Pinatunayan din ng kongresista na kahitbakunado na ay maaari pa ring mahawaan ng sakit.
Bukod sa kanya, ang iba pang tinamaan ng COVID-10 kamakailan ay sina deputy Speakers Henry Oaminal at Majority Leader Martin Romualdez, dating Speaker Pantaleon Alvarez, Rep. Quezon Aleta Suarez, Navotas Rep. John Rey Tiangco, Caloocan Rep. Edgar Erice, Rep. Mike Defensor (Anakalusugan party-list) at Negros Oriental Jocelyn Sy Limkaichong.
Dalawang kasapi ng Kapulungan sa 18th Congress — sina Rep. Francisco Datol (Senior Citizens party-list) at Rep. Ditas Ramos (Sorsogon) — ang namatay na dahil sa COVID-19.
Bert de Guzman