Pagsusuot ng surgical mask, mas protektado vs COVID-19 -- DOH

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng surgical masks, lalo na sa mga lugar na may pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Inilabas ang rekomendasyon ng DOH alinsunod sa guidelines ng World Health Organization (WHO).

“Kaya sa ngayon, ang ating rekomendasyon kung kaya niyo na mag surgical mask, especially in those areas na matataas po ang kaso, let’s use surgical mask,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online town hall event nitong Miyerkules, Agosto 18.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nilinaw ni Vergeire na maaari pa ring gumamit ng cloth masks ang publiko, gayunman, mas may proteksyon pa rin ang pagsusuot ng surgical masks.

“Pero kung hindi naman po kakayanin ng komunidad, cloth mask can still give protection, hindi po natin iyan tinatanggal sa equation,” sabi ng opisyal.

“Itong medical grade mask na ito, meron siyang certain layers that can filter various organisms in a specific particulate sizes. Kapag cloth mask po, wala pong angking characteristic o wala pong ganun ang cloth mask,” dagdag ni Vergeire.

Sa panig naman ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim, miyembro ng DOH-Technical Advisory Group, kahit ano pang klase ng face mask ang gamitin, mahalaga na tama ang pagkakasuot nito kung saan natatakpan ang parehong ilong at ang bibig.

“Kahit ano pang gamitin nating klase ng mask, kung hindi maayos ang pagsuot, walang masyadong pakinabang,” sabi ni Ong-Lim.

Analou de Vera