Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na walang saysay ang mga ginagawang ospital at ilang health facilities ng pamahalaan kung hindi naman nila at kakalingain ang mga healthcare workers (HCWs) na nasa hanay ng A1 o nangunguna sa pagsugpo sa pandemya ng coronavirus disease 2019.
"We are willing to support additional funding, if necessary, for frontline healthcare workers’ benefits, be it in Bayanihan 3 or the 2022 General Appropriations Act. Pero dapat ay madisburse naman na ito sa tamang panahon," ani Hontiveros.
Nagbabayad aniya ng sariling pagkain ang mga HCW, bukod pa ang gastos sa tirahan, biyahe at iba pa. Sinabi nito na kahit pambili ng PPE (personal protective equipment) ay galing sa sariling bulsa ng mga ito.
"Ang malala pa, kahit sobrang taas ng risk ng exposure sa COVID, maraming mga HCWs ang walang allowance dahil hindi sila kasali sa listahan ng makatatanggap. Bakit nangyayari ito? May nagpabaya ba, saan at sino ang nagkulang? Sino ang dapat managot?" pagtatanong pa ng senador.
Leonel Abasola