Pinagsabihan ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang Commission on Audit (COA) kaugnay ng nilikhang kontrobersya sa paggastos ng Department of Health (DOH) sa kanilang pondo sa paglaban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ikinatwiran ni Panelo, "lagpas" na sa mandato ng COA ang pagpapalabas ng preliminary observations dahil hindi pa naman tapos ang imbestigasyon kung paano pinangasiwaan ng DOH ang ₱67.3 bilyong pondo nito para labanan ang pandemya.

Panawagan niya kay COA chairman Michael Aguinaldo, dapat baguhin nito ang paraan ng pagsita sa mga ahensya ng pamahalaan kaugnay paggastos ng pondo.

"Michael,alam mo medyo baguhin niyo'yung istilo niyo. Trabaho niyo na suriin, pangalagaan ang pera ng bayan. Tama kayo diyan. But do not go beyond 'yungrequiredlang sa inyo,"paninita nito sa opisyal ng COA.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Ang problema, di siyempre may mgapreliminary findings,may mga nakita kayo na mali o kulang. Pero 'yung mali o kulang na proseso, puwedeng iwasto 'yan kasi hindi pa naman tapos 'yung proyekto o 'yung programa. 'Yung pera, ginagastos pa eh,"pagbibigay-diin ni Panelo.

Dapat aniyang iwasan ng COA na maglabas ng "hilaw" na ulat upang hindi mapahiya sa publikoang ahensyang tinatrabah ng mga ito.

"Huwag niyo na munang ilalabas sa publiko. Kanino niyo ilalabas? Ilabas niyo dun sa taong iniimbestigahan,"pakiusap ni Panelo.

Nitong Lunes, ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOH at sinabing "hindi pa sapat" ang findings ng COA dahil kulang lamang ng papeles ng nasabing ahenstakaya hindi ito. korapsyon.

Sa pagdinig naman ng Kamara nitong nakaraang Martes, idinahilan naman ni Aguinaldo na "naaayon sa batas" ang pagpapalabas ng annual audit report at sinusunod lamang umano nila ang mandato ng Konstitusyon upang gawin ito,

PNA