BENGUET – Nagsasagawa pa ng search and retrieval operation ang mga awtoridad sa mag-asawang minero na natabunan ng gumuhong bahagi ng bundok sa Loacan sa Itogon, nitong Martes ng umaga.

Paliwanag ni Police Regional Office-Crodillerainformation officer Capt. Marnie Abellanida, hindi pa rin natatagpuanng search and rescue team ang natabunang sinaNestor Talangcag, 54 at Maureen Talangcag, 57, kapwa taga-Beda, Loacan, Itogon.

Sa paunang report ng pulisya, kasalukuyang nagsasagawa ng gold panning ang mag-asawa sa Antamok River, kasama ang kanilang anak na lalaki nang biglang gumuho ng bahagi ng bundok, dakong 10:45 ng umaga.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nakatakbo ng mag-asawa na agad na natabunan ng lupa mula sa bundok.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nakaligtas sa insidenteang anak ng mag-asawa matapos tumakbo habang gumuguho ang bundok.

Kaugnay nito, nangako naman ang mga rescue team na binubuo ng mga bumbero, sundalo, pulis at sibilyan na hindi sila titigil sa paghuhukay hangga't hindi natatagpuan ang mag-asawa.

Zaldy Comanda