CAGAYAN - Umabot pa sa 18 pasyenteng nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVD-19) ang naiulat na nasawi sa Cagayan sa loob lamang ng 24 oras.

Kinumpirma ito ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na nagsabing naitala ang mga binawian sa Alcala, Baggao, Solana, Sta. Teresita at Tuguegarao City, nitong Agosto 17.

Dahil dito, umakyat na sa 146 ang namatay sa probinsya sa loob lamang ng 17 araw ngayong buwan ng Agosto.

Mas mataas ito kaysa nitong Abril kung saan nagkaroon din ng surge ng virus sa probinsya.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa datos ng Cagayan Provincial Information Office, umabot na sa 3,055 ang aktibong kaso ng virus sa Cagayan.

Bukod pa rito ang 320 na sumasailalim sa home quarantine sa Tuguegarao City; 55 sa Baggao; 26 sa Allacapan; dalawa sa Claveria at Lal-lo; isa sa Sta. Teresita at Sto. Niño.

Liezle Basa Iñigo