Nagpositibo umano sa COVID-19 ang 10 artistang nagsho-shooting sa Baguio City, at isa sa kanila ang tumakas at bumalik patungong Maynila.

Sa panayam ng isang local channel kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, pelikula umano ang ginagawa ng production team sa kanilang lugar. Tumakas umano pabalik ng Maynila si Kapamilya actor Arjo Atayde bago pa man lumabas ang positive result ng kaniyang swab test.

Dalawang buwan na umanong nagsho-shooting ang mga ito at dahil sa insidente ay itinigil na muna ito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Magalong suspends 'carless Tuesdays' at Baguio City hall – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Pinag-aaralan na umano ni Mayor kung sasampahan niya ng reklamo ang mga ito gaya ng breach of health protocols at paglabag sa mga alintuntunin ng kanilang taping bubble. Ipinasok na umano sa isang hospital ang siyam na artistang nagpositibo sa COVID-19, na hindi na pinangalanan kung sinu-sino ang mga ito. Nasa hotel naman ang iba pang mga staff at crew para sa isolation. Bantay-sarado sila ng mga awtoridad upang hindi makatakas.

Dahil sa insidente, hindi na muna papayag ang Baguio City sa anumang shooting o taping sa kanilang lungsod lalo pa't nariyan pa ang banta ng Delta variant.

May dagdag na ulat ni Zaldy Comanda