Inulan ng batikos ang engrandeng wedding gown ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Party-list Rep. Claudine Diana "Dendee" Bautista, kamakailan.

Hindi inasahan ng netizens ang magarbong kasuotan ni Bautista na disenyo ng pamosong si Filipino International fashion designer Michael Cinco kung kaya'y tinawag siyang "insensitive" dahil sa mahal ng paggastos nito sa kabila ng pagiging kinatawan nito ng masa.

Larawan: Michael Cinco/IG

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Si Dendee Bautista ay anak ni Davao Occidental Governor Claude Bautista at Genelyd Bautista. Nagsimula siyang pumasok sa politika nang siya ay nasa edad na 15 bilang Sangguniang Kabataan Federation president.

Taong 2017 nang maluklok sa Women’s Council ng Davao Occidental bilang provincial head kung saan ay nakatrabaho niya ang kanyang ama.

Sa pagpapatuloy ng kanyang karera sa politika, pinalad si Bautista na maging vice chair ng Transportation Committee sa Kongreso at assistant majority leader ng Rules Committee.

Ilan sa kanyang ipinonente na panukalang batas ay ang House Bill No 2482 kung saan ay kinikilala ang Mayo 8 bilang Public Transportation Drivers' Day; House Bill No. 4163 o Public Safety Act of 2019.

Malayo sa kursong kinuha sa kolehiyo ang pagtahak ni Bautista sa politika. Taong 2005 nang magtapos sa kursong Hospitality Management sa L’Institut de Hautes Etudes Glion sa Glion, Switzerland. Hindi pa nakuntento si Bautista sa kanyang kurso kung kaya'y ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa kursong BS Entrepreneurship sa Ateneo de Davao University at nagtapos noong 2013.

Nitong Pebrero 2021 nang ikasal si Bautista kay Jose French “Tracker” Lim, kababata ni Bautista at mula rin sa Davao Occidental. Si Tracker Lim ay executive vice president ng Toyota Davao City (TDC). Ngayong Agosto 2021 naman naganap ang kanilang kasal sa simbahan sa Balesin Island Resort sa Polillo, Quezon.

Larawan: Michael Cinco/IG

Hindi naman naging ligtas ang kanilang kasal sa mata ng netizens dahil sa suot nitong bonggang wedding gown.

Puna ng netizens, ipinakita lamang ni Bautista ang pagiging 'insensitive' lalo't marami sa mga tsuper ngayon ang naghihirap dahil sa pandemya, lalo't muli na namang ipinatupad ng enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila. Isa pa, dapat ay maging ehemplo siya sa pagiging simple at matipid dahil sa kanilang pagiging politiko.

Larawan: Michael Cinco/IG

Hindi rin nagpahuli ang mga artista na bumatikos sa kanyang engrandeng kasal. Tweet ni Agot Isidro, "That gown alone can feed hundreds of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista?"

"Ano na ang nagawa ni Bautista para tulungan ang drivers?" sarkastikong pahayag ni Agot.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang mga komedyanteng sina Ogie Diaz at Pokwang.

Gayumpaman, marami ring netizens ang nagtanggol kay Bautista lalo pa't sinasabing bilyonaryo ang napangasawa nitong si Lim.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Bautista hinggil sa nasabing isyu.