Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ngayong Martes, Agosto 17.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ay magbababa ito ng P0.40 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P0.30 sa presyo ng diesel habang walang paggalaw sa presyo naman ng gasolina.

Hindi naman nagpahuli ang mga kumpanyang Seaoil at Caltex na magpapatupad ng kaparehong price rollback sa kanilang petrolyo.

Agad sinundan ng Cleanfuel at Petro Gazz ang katulad na bawas-presyo sa kanilang diesel at walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ito ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong oil price rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Bella Gamotea