Umaabot na sa mahigit 27.8 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nai-administer ng Pilipinas.
Ito ay batay sa inilabas na vaccine rollout update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ng gabi.
“As of 15 August 2021, 6PM, a total of 27,806,881 doses have been administered, regardless of whether it was the first or second dose, or a single-dose vaccine,” anito.
Sa naturang kabuuang bilang, 18,697,647 indibidwal ang nabakunahan, kasama rito ang 6,132,630 na partially vaccinated o unang dose pa lamang habang 12,565,017 ang fully vaccinated na.
Sa A1 category (health workers), 515,070 na ang partially vaccinated habang 1,854,154 naman ang fully vaccinated na.
Sa A2 category (senior citizen) naman, 747,573 ang partially vaccinated at 3,691,663 ang nakakumpleto na ng bakuna.
Sa A3 category (persons with comorbidities), 1,609,682 ang partially vaccinated habang 4,738,847 ang fully-vaccinated.
Sa A4 category (essential workers), 2,473,011 ang partially vaccinated habang 1,883,695 ang nakakumpleto na ng bakuna.
Sa A5 category (indigents) naman, 787,294 ang partially vaccinated habang 396,658 ang fully-vaccinated.
Anang DOH, nito lamang umanong ika-24 na linggo ng national vaccination program ng bansa ay kabuuang 3,327,131 doses ang kanilang naiturok sa mga mamamayan.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna na upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa malalang kaso ng COVID-19, na maaaring mauwi sa kamatayan.
Mary Ann Santiago