Handang magbigay ng kanlungan ang Pilipinas sa mga nais takasan ang sigalot sa Afghanistan kasunod ng pagbagsak ng gobyerno nito.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, handa ang bansa na tanggapin ang mga “asylum seeker” mula sa bansang Afghanistan.

Sa isang televised press briefing nitong Martes, Agosto 17, ayon kay Roque, mayroong legal na basehan ang bansa para tumanggap ng asylum seekers.

Binanggit din niya ang isang desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na ang Pilipinas ay hindi mag-aalinlangan na tanggapinang mga indibidwal na nais takasan ang kanilang bansa dahil sa “fear of persecution.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“Welcome po ang mga asylum seekers sa Pilipinas,” sabi ni Roque.

“Lahat po ng kinakailangan ng kalinga dahil sila po ay pinepersecute sa kanilang bayan, meron po kayong lugar dito sa Pilipinas,” dagdag nito.

Matatandaang kontrolado na ng Taliban ang Afghanistan matapos ang ilang dekadang pag-aalsa dahilan ng pangingibabaw ng takot sa capital city.

Libu-libo na ang mga nagtangkang takasan ang paghahari ng Taliban.

Genalyn Kabiling