Magulo at marumi — ‘yan ang madalas na tingin ng mga tao sa pulitika. Kahit saan ka pumunta sa mundo, magulo at marumi talaga ang pulitika. Bakit ito magulo at marumi?
Magulo dahil iba’t iba tayo ng mga interes at paniniwala. At dahil sa pagkakaibang ito, hindi maiiwasan ang hidwaan. Marumi ang pulitika, hindi lang dahil sa talamak ang korapsyon. Lahat na gustong ipaglaban ang kanilang interes at paniniwala ay gagamitin ang lahat ng taktika upang maisulong ang mga ito. "The end justifies the means" 'ika nga ni Machiavelli. O sabi nga ng pamagat ng isang pelikula— "Hahamakin ang lahat masunod ka lamang."
Dahil sa magulo at marumi ang pulitika, it’s understandable bakit maraming tao ang“apolitical,”o walang pakialam sa pulitika. Some have totally lost faith in politics. Tingin nila sa pulitika eh walang kwenta. Iyong iba, gustong wakasan ang pulitika para makapag-concentrate na lang lang sa polisiya.
Ang layunin ng column na ito eh ang ipaintindi sa pangkaraniwang Pilipino kung ano nga ba ang silbi ng pulitika sa ating buhay. What is the purpose politics in attaining the so-called good life? Bakit pulitika ang paraan upang ma-achieve ang napakaraming gusto natin sa ating komunidad? Why is there no escape from politics?
Ang layunin ko sa column na ito is to inspire a more charitable at mature way at looking at politics. Its aim to help people to understand ang complexity ng politics itself at decisions and actions. At instead na hikayating magmukmok sa isang tabi, magngangawa sa Twitter o Facebook at mawalan ng gana sa pulitika, layunin ng column na ito na ma-develop ang tinatawag ni Joseph Campbell na pag-participate sa sorrows ng mundo in a joyful manner.
Bilang arena ng tinatawag ng German philosopher Friedrich Nietzsche na“will to power”ng bawat tao, politics brings out both the best and worst in us—simultaneous (o simultaneously?) Pero at the end of the day, politics is a noble human practice, specially kung we engage in it in a spirit of sportsmanship. At ma-develop lang ang political sportsmanship na ito kung magkakaroon tayo ng mas malalim na pag-intindi sa pulitika.
So sa mga columns na susunod dito, susuriin ko ang iba’t ibang ideas, concepts, at paniniwala na may kinalaman sa pulitika. This column will not be about discussing personalities but the value, limits, and promise of policy recommendations regardless of who offered them. May mga posts din about history upang lubos ninyong maintindihan ang konteksto ng mga nagaganap sa ating pangkasalukuyang panahon. Hindi lang limitado ang aking mga susulatin sa mga pambansang kaganapan, susuriin ko rin ang mga nangyayari sa international relations.
What would help me discuss these issues ay ang aking edukasyon sa politika sa Leiden University, UCLA, at ang ilang taon kong pagtuturo ng iba’t ibang subjects sa politics sa Maastricht University. Ang mga reflections ko sa column na ito ay inspirasyon din ng aking halos dalawang dekadang karanasan bilang isang transgender advocate, at limang taong karanasan bilang isang political blogger sa aking Facebook Page na“For the Motherland”na may halos ilang milyong reach every month.
I hope na pagkatapos ninyong basahin ang aking column eh magkaroon kayo ng mas malawak na kaalaman at ma-inspire kayong magsagawa ng inyong sariling pag-aaral. Sabi nga ng Roman poet na si Horace,“sapere aude,”o dare to know things. Learning doesn’t end after formal education. Formal education simply provides us a structure on how to lear and inspires us to keep on learning. Sana ang column na ito ay maging isa sa mga tools ninyo sa inyong patuloy na pag-aaral tungkol sa pulitika.
At kung may mga katanungan po kayo tungkol sa pulitika na nais ninyong aking talakayin sa aking column, please e-mail me at [email protected].
Sass Rogando Sasot