Dapat na paghandaan mabuti at seryosohin ni Manny Pacquiao ang kanyang nakatakdang laban kay Yordenis Ugas ng Cuba ayon sa mismong promoter ng Filipino ring icon na si Sean Gibbons.

Bagamat malayo sa orihinal na kalaban ni Pacquiao na si American Errol Spence Jr. na isa sa mga top rated boxers sa welterweight division, kundisyon umano si Ugas ayon sa presidente ng MP Promotions.

"He (Ugas) has been preparing to fight. He's in tremendous shape," wika ni Gibbons kay PBA commissioner Noli Eala sa programa nito sa radyo na "Power and Play".

Dapat ay lalaban ang 35-anyos na si Ugas para idipensa ang kanyang WBA (super) welterweight belt sa undercard ng Pacquiao-Spence card kontra kay Fabian Maidana. 

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, katulad ni Spence na nagka injury sa mata, na injured din si Maidana kung kaya nalibre si Ugas at ipinalit kay Spence.

Kahit hindi taglay ni Ugas ang star power na meron si Spence,ayon kay Gibbons ay di puwedeng ipagwalang bahala ang Cuban champion.

"Ugás is a very accomplished amateur, came through that brilliant Cuban amateur system. He won a bronze medal in Beijing in the 2008 Olympics," anang promoter. "He's been on a tremendous run, (winning) 10 of his last 11 fights."

"The guy is no joke," sabi pa ni Gibbons. "He's got a chip on his shoulder too. He knows how to fight, he's strong, he's physical."

Gayunman, naniniwala si Gibbons na mananaig si Pacquiao sa laban dahil may matindi itong motivation.

Itinaas ng WBA si Ugas sa "super" champion status habang si Pacquiao naman ay ginawang "champion in recess" dahil sa kabiguan nitong idipensa ang kanyang welterweight belt noong isang taon (2020). 

"The senator got his belt basically ripped off by the WBA and they gave it to Ugás," ani Gibbons. "So it's poetic justice now. The senator is going to fight Ugás to get his belt back.

Ang Pacquiao-Ugás fight ay idaraos sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa Agosto 21.

Marivic Awitan