Kinilala ang New Clark City Athletics Stadium sa World Architecture Festival bilang isa sa mga "best completed buildings" sa buong mundo.
Bigo mang tanghalin bilang finalist, naging nominado naman ang nasabing athletic stadium sa kategoryang Sport-Completed Buildings.
Ikinatuwa ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer Vince Dizon ang pagkilala sa naturang stadium. Pinasalamatan naman ni Dizon ang Budji+Royal Architecture+Design, architectural partner ng stadium gayon din ang mga manggagawa nito.
“We thank the World Architecture Festival for giving its nod to the New Clark City Athletics Stadium. It is another testament to the ingenuity of the stadium’s design and structure." ani Dizon sa press release ng Build, Build, Build.
Dagdag pa niya, patunay lamang ang nasabing pagkilala na kayang lumikha ng mga Pilipino ng isang pasilidad na kikilalanin sa buong mundo.
“This would not have been possible without the hard work of all the workers who completed this facility within a short period of 18 months. To our partners in Budji+Royal Architecture+Design, thank you for designing a structure that best showcases the beauty of the Filipino spirit to the rest of the globe,” dagdag pa ni Dizon.
Matatandaang sa New Clark City Athletics Stadium ginanap ang 2019 Southeast Asian (SEA) Games na kung saan ay tinanghal ang Pilipinas bilang overall champion.