Hinikayat muli ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng banta ng mas nakahahawang variants.

Sa televised public briefing ni Pangulong Duterte, binanggit ni FDA Director General Eric Domingo na mas matimbang pa rin ang proteksyong makukuha sa bakuna kumpara sa panganib nito.

“Ang pakiusap pa rin natin sa kababayan natin, ‘pag ready na at mayroon nang bakuna na tinawag na kayo, magpabakuna po kayo,” sabi ni Domingo.

Pagpapaalala ni Domingo sa publiko, dapat na kumpletuhin ang dalawang doses ng bakuna para bumaba ang posibilidad na madapuan ng virus.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“In between your first dose and your time you’re fully vaccinated, huwag niyo ring kakalimutan lalo na iyong ating minimum health standards dahil importante po ‘yun,” sabi ni Domingo.

Binigyang-diin ng FDA chief na lahat ng bakunang kanilang inaprubahan ay epektibo laban sa malalang panganib na dala ng COVID-19.

Paliwanag pa ni Domingo, maaaring maapektuhan ng mga bagong coronavirus variants ang efficacy ng mga bakuna ngunit mananatili ang proteksyon nito laban sa severe COVID-19.

John Aldrin Casinas