Pinag-aaralan na ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang Lambda variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung hindi ito tinatablan ng bakuna.
“We will still have to find out. Hindi natin basta sasabihin dahil variant ito ay mayroon siyang impact, titingnan pa rin,” pagdadahilan ni VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani nang tanungin kung makaaapekto ito sa bakuna at sa vaccination campaign ng gobyerno laban sa COVID-19.
Naunang natuklasan ang Lambda variant sa Peru noong Disyembre 2020.
“Sa Chile, meron silang pag-aaral na bumaba by threefold ang neutralizing antibodies against the Lambda variant so hindi naman masyadong mababa ang threefold. Actually sa ibang mga variants, 'yung variant of concern na Delta, 'yung iba has six-fold ang baba,” paglalahad ni Gloriani.
Nilinaw nito na "wala pang sapat na batayan" kaugnay ng epekto nito sa pagbabakuna ng gobyerno.
“Until we see more data, kasi ngayon variant of interest pa lang siya, hindi pa siya variant of concern. Althoughmaramingnaapektuhan more than 20 countries na,” paliwanag nito.
Sa kasalukuyan, isang kaso pa lamang ng Lambda variant ang natukoy sa bansa nitong Agosto 15.
Charissa Luci-Atienza